Ang dami kong gustong ikwento pero ni isa wala man lang ako na i-type dito.. :( Lahat dinaan ko na lang sa isip ko.. Sa ngayon gusto ko na lang maiyak na alam ko na hindi naman masasagot ng iyak ang mga problema ko, siguro gusto ko lang kahit paano gumaan ang pakiramdam ko. Masyadong magulo ang buhay, komplikado….. Alam kong malalagpasan ko din to……
March 2012
31 posts

Natuwa lang ako,lagi na lang kasi sila magka sunod sa dashboard ko at kung minsan parehas pa sila ng pinopost.. Malay natin,maging HAPPY na ang lahat! :D
:) #wala kasi ako magawa kaya ayan… Hihihi! PEACE!
Eto na, ramdam na ramdam ko na,sinusubukan na naman kami ni God. Binigyan nya kami ng pagsubok. Dahil magbabakasyon na,mas oonti na ang customer namin sa shop, eto pa, nasira pa yung server namin kanina :( Onti na nga lang yung customer namin,mas umonti pa :( Sa computer shop lang naman kami kumukuha ng pang araw araw na gastos namin eh..
Pero alam ko na hindi kami bibigyan ni God ng pag subok na ganto dahil alam nya kaya namin lagpasan to. Malaki ang tiwala ko kay God malalagpasan din namin to! :) Basta wag lang kami mawawalan ng tiwala sa kanya,makakaya din namin to,alam ko sya pa din ang mag pro-provide sa mga needs namin. Pagsubok lang to na mas magpapatibay saming pamilya.. Kayo na po bahala God :)
Nakaka miss talaga yung mga anime/cartoons nun yung mga tinagalog.. Tulad ng Cinderella, Peter Pan, Time Quest (lilipad lilipad takureeeee), Mojacko, Super Boink, Shin Chan, Doraemon At marami pang ibaaaaaaaa….
Kaya nag hanap ako sa youtube, sa kabutihang palad, may nakita naman ako, :) currently natapos ko na idownload lahat ng episodes ng Cinderella, isa sa mga pinaka fave ko.. :) Time out na muna sa mga Korean Series, magbabalik 90’s na muna ako, kasi sobrang nakaka miss talaga! :D
- Hindi kita iiwan.
- Hindi kita pababayaan.
- Hindi ko kayang mawala ka.
- Wala nang mas hihigit pa sa iyo.
- Ikaw lang ang nagpapaikot ng mundo ko.
- Ikaw lang ang lalake/babae sa buhay ko.
- Ikaw ang taong pakakasalan ko.
Mga bagay na malabo pa dahil bata pa tayo.
- If someone doesn’t want you back, someone else will need you.
- If someone thinks you’re boring, someone else will think you’re amazing.
- If someone is too busy for you, someone else is willing to make time for you.
- If someone ignores you, someone else is willing to pay attention.
- If someone thinks you’re not good enough, someone else thinks you’re more than good enough.
- If someone doesn’t feel the same way, someone else is waiting for you to feel the same way for them.

Ni sa panaginip,hindi ko naisip na makikita ko si Vhong Navarro sa personal! Grabe lang! Ang gwapo nya at yung dimple nya! Mabait sya, kita nyo naman naka akbay pa. Nung inaya ako ng tita ko na manuod ng showtime,hindi na ako nagdalawang isip, gusto ko manuod ng live at syempre makita si Vhong at Anne sa personal. Pero hindi ko inaasahan na sa harap ako makaka upo at super lapit lang sa kanila,siguro 2-3 steps lang. Grabe lang talaga! Nung nakita ko si Vhong,sobrang kinilig ako! Na starstruck ako! Tapos nakaka titig lang ako sa kanya lagi then 1 time, nung naka titig ako sa kanya,bigla syang humarap sa akin then nag smile! Ayieeeee! Grabe lang talaga yung dimple nya! And then habang commercial break,pinipicturan ko sya gamit yung cp ko, eh nakita ako nung isang P.A,sabi sa akin “akin na,picturan ko kayo.” Ang sagot ko, “pwede?” Tapos ayan ang kinalabasan! :) Hindi kasi pwede basta basta magpa picture,may mga guard.. Kaya sobrang swerte ko lang talaga!
Hindi na ako nakapag pa picture kay Anne, ok na ako na nakita ko sya ng personal at ok na din ako na may pic kami ni Vhong! Hehehe! Talagang dati pa, crush ko na si Vhong, streetboys pa lang.. Tsaka yung tipo nya talaga yung gusto ko sa isang guy, simple, malakas ang sense of humor, magaling sumayaw at kumanta, at syempre yung pamatay na dimple! Haaaaaay! Thank you kay God sa opportunity na binigay nya lalo na sa tita ko, kasi naisama nya ako.. :)
“Sa oras na marunong ka ng magmahal, masaktan at magparaya, that’s the time na nagmamatured ka. Hindi din naman lahat ng gusto natin ay mapapasatin dahil may tamang oras sa lahat ng bagay. Tulad ng love, hindi ito minamadali. Darating ang araw, makikilala mo din ang taong mamahalin mo habang-buhay.”
—
MMK’s thought for March 17, 2012 episode, PANYO
- May taong nagtatanong sa akin kung nasaan daw ba ako.
- May nagtatanong kung sino-sino mga kasama ko.
- May taong nagtatanong kung anong oras ako uuwi.
- ‘Yung nagtatanong kung ano daw ba ginagawa ko.
- Taong nagaalala sa’kin.
- Hahawakan ‘yung kamay ko at hindi niya bibitawan.
- Ihahatid ako at susunduin kahit alam niyang gabi na.
- Babawalan akong ‘wag magpapagutom at kailangan kong kumain sa oras.
- ‘Yung taong lagi akong lalambingin.
- Pagkakanta ako kahit gaano pa kasintunado boses niya.
- ‘Yung taong nangungulit sa’kin.
- Tumatawag sa’kin bago matulog at sasabihan akong, “Matulog ka na, ‘wag kang mag-alala, bukas mahal pa rin kita.”
- ‘Yung taong lagi akong sinasabihan na mahal ako.
- ‘Yung bigla akong yayakapin kapag nagagalit ako sa kanya.
- Mas lalo na ‘yung taong pinapakita talaga at pinaparamdam niyang napaka-espesyal ko sa kanya.
- Patatawanin ako kapag ako’y badtrip.
- Babanatan ako ng mga pick-up lines niyang corny!
- Namimiss kong ‘yung feeling na maging importante ka sa isang tao.
Namimiss ko ‘yung feeling na ganyan! ‘Yung magkaroon ng taong ganyan ang pagtrato sa akin. Namimiss ko lang naman… Dahil alam ko, merong taong itrato ako higit pa sa mga bagay na ‘to.
May mga pagkakataon na kahit na nakalimutan mo na ang nakaraan eh maalala at maalala mo pa rin ito. Hindi na para masaktan, kundi maalala lang na minsan eh may nagmahal sayo na tao na sa huli eh bigla mo na lang ulit hindi makakausap.
Ang kulit ng sirkulasyon ng buhay.. Strangers -> Friends -> Relationship -> Awkward Friends -> Strangers.
Bihira lang daw ang dalawang taong nagiging mag kaibigan ulit after breakup. Swerte na lang daw talaga kapag nangyari yun. Tipong, sinubukan niyo lang talaga if magiging Ok kayo.
Naisip ko din kasi na kapag naging magkaibigan pa eh minsan baka mahulog ulit ang isa dun sa dating ka relasyon niya, sa huli aasa ulit, sa huli masasaktan na naman at tuluyan na talagang magkakasamaan ng loob at hindi na magpapansinan.
Napakatinding laban at gyera ng pag-ibig. Talagang Win or Lose ang labanan.. Minsan ganun talaga eh.. Yun ang takbo ng istorya na isinulat sa ating buhay.. Mahirap kalabanin… Sobrang hirap..
The sad thing about religion is kahit mahal niyo ang isat-isa wala kayong magagawa kundi tanggapin ang tadhanang ibat-iba talaga ang paniniwala at malabo maging kayo talaga. Tipong lahat ng religion may pride.. Minsan nakakalungkot isipin na ok naman ang lahat sa inyo pero yung religion ang pumipigil dito..
Minsan nakakalungkot na bakit kailangan harangan ng religion yung dalawang taong nagmamahalan.. Magmamahalan lang naman eh, pero bakit kailangan pa nun. Ok na sana ang mundo eh, tapos nahati lang dahil nga sa mga ganun ganun..
Basta, ang gulo lang eh.. Pwede naman talaga sana eh.
May mga taong nagparaya, may mga taong naipaglaban, at sobrang bilib ako sa kanila.
Wala naman kasing magpaparaya na lumipat ang isang relihiyon sa isa eh.. Tipong hindi papayag ang mga taong nakapalibot din sayo.. Mahirap ipaglaban ang pag-ibig kung kontra ang lahat ng malalapit sa buhay mo..
Palagi nilang sasabihin, bakit hindi na lang siya? Bakit ikaw pa? vice versa..
Basta, sobrang sensitibo ng topic na ito. Ititigil ko na lang dito.
Panay reblog na lang ako ngayon, anyare?? Ewan ko din.. Gusto ko mag kwento pero wala naman ako ma-i kwento.. Hahaha! Paulit ulit, nakaka sawa, nakaka pagod.. Gusto ko ng bago..
Sa ngayon, ‘yung iniwan ang mas makakaramdam ng sakit at hirap sa pagmomove on ngunit darating ang panahon, marerealize ng nang-iwan na kawalan rin siya. Ang pakikipagbreak ay parang isang digmaan. May nasasaktan, may nahihirapan. Parehong natatalo sa iba’t-ibang paraan.
At alam mo ba ito ang subject na may pinakamasayang kwento ng pag-ibig? Halimbawa
Acid at Base - Ang palaging nagsasasama/naghahalo at nagkakaintindihan gaano man kalakas o kahina ang bawat isa.
Electrons and Protons - kahit na sobrang liit ng espasyo ng kanilang napapaligiran eh nagagawa pa rin nilang magsama sa parehong lugar na dalawa.
Redox Reactions - ang panghabambuhay na may partner.
Intermolecular Forces - ang ginagawa naman nito eh namamahagi o kaya naman eh binibigay na halos lahat ano man ang kailangan ng partner nila.
Binary Compound - hindi bat gusto mo lang eh kayo lang laging dalawa at wala ng kasamang iba?
Air - tulad ng pag-ibig, hindi man natin ito nakikita. Ito naman ay nararamdaman natin.