Puro Udlot :|
Dahil nga sembreak na ng mga pinsan ko nag balak na kami ng lakad/gala.. At ang napag usapan ay mag EK kami.. Dumating na ang itinakdang araw.. Super aga ko nagising dahil syempre excited ako.. Hahaha! Pero dumating ang 10:00 am, wala pa rin nagtetext kung tuloy pa ba o hindi.. 12:30 pm nagtext ang pinsan ko, hindi na daw tuloy, dahil una wala kaming driver, dahil yung pinsan ko na mag da-drive umalis at sinundo yung gf nya.. So ako naman, super lungkot.. Kasi hindi na natuloy ang EK namin.. Huhuhu! So nag expect ako na kahit sa Star City na lang.. Kaso wala din, kaya ang sabi nila manuod na lang daw kami ng sine panuorin daw namin yung kay Vice Ganda yung Praybeyt Benjamin.. Ok na din sa akin basta maka alis lang ng bahay..
So, punta ako sa bahay ng insan ko.. Dahil dun na lang daw kami magkita kita.. Nung paalis na kami, biglang tinopak yung kapatid nya dahil mejo nag away at ayun nag kulong sa kwarto nya.. Tsk! tsk! tsk! Mahirap pa man din suyuin yun pero pinilit pa din namin.. Habang mejo nagpapalamig ng ulo ang dalawang magkapatid at nag uusap usap kami kung tutuloy pa ba o hindi.. Nag feeling model muna kami ng insan ko.. Kunwaring pictorial.. Hahaha!



Nang matapos na ang pictorial namin.. Nag uusap pa din kung tuloy o hindi.. Kasi parang nagkakatamaran na din.. Ako naman gusto ko pa din umalis, kasi sayang naman din yung pag aayos ko.. Hahaha! 4 na lang kaming umalis dahil tinopak at nawalan na ng mood yung isa kong insan..
Pag dating namin ng SM bumili na muna kami ng tsinelas tapos bili na muna kami ng ticket kasi mejo matagal pa yung time ng next showing.. Habang naka pila yung insan ko may babae na nagtatanong kung anu papanuorin kasi mejo mahaba ang pila.. Nung sinabi nyang Praybeyt Benjamin papanuorin namin, sabi ba naman nung babae “Sir, standing na po.. Continuous po kasi yung show..” At sabay alis sa pila.. Ayaw naman namin mannuod ng nakatayo sa sinehan.. Nagbayad kami tapos tatayo ka lang.. Kaya wag na lang.. Sa isip isip ko, wala na nangyari sa mga plano namin.. Kaya nag food trip na lang kami sa food court kesa umuwi ng walang nangyari..
At ang mga kaganapan sa food court ay kwentuhan, asaran, kumain at mag picture ng bonggang bongga!



Hanggang sa mapagod na kami at nabusog napag pasyahan na namin umuwi.. Hahaha! Pero bago umuwi sa kanya-kanyang bahay, tumambay na muna kami sa bahay ng tita ko.. At doon ay nag picture picture ulit.. Hahaha! Super adik kaming mga pinsan ko sa picture..

Ayan ang kabuuan ng EK dapat namin.. Hahaha! Marami dapat kaming aalis hanggang sa mauwi sa 4 na lang kami.. Kahit hindi kami natuloy sa EK feeling ko yung nagastos ko nung nag SM kami ay parang bumili na din ako ng ticket sa EK.. Hahaha! At least ngayon may pera pa din ako kahit paano.. :)