I really LOVE THE WAY YOU LIE.

Month

December 2010

38 posts

Masayang pagtatapos ng 2010 :)

December 25, 2010: Masayang Pasko,kasi sama-sama at kumpleto nakapag celebrate..picture dito,picture doon kasama ang mga pinsan..plus kainan!kahit na nagkataon na nagka sipon pa ako..pero ok lang..that’s life!hehe!wala naman masyado ngyri sa akin,parang ordinary day lang..nag bantay sa shop namin..ganun talaga siguro pag tumatanda na,para sa bata na lang talaga ang pasko..hehe!tapos biglang nagtext si Ex,bumati..ayun,mas naging ok ang pasko..haha!

December 26, 2010: Last sunday ng taon,nag simba nagpasalamat kay GOD sa buong taon na pag iingat at pagbibigay ng blessings nya sa akin at sa pamilya ko..at eto na nga,mas naramdaman ko na yung sipon ko,mas masakit ang ulo ko kaya mag hapon ako nag paghinga na lang..kasi kinabukasan,reunion na namin..plus,nag text ulit si Ex,inaaya ako mag EK kasama ang barkada nya,kaso hindi ako pwede kasi nga Reunion namin nun..sayang!hehe!pero ok lang..

December 27,2010: Eto na Reunion na namin!kita kits nanaman kami,kahit yung iba kong kamag anak madalas ko naman nakikita,pero pag dating sa venue kala mo isang taon na hindi nagkita kita..haha!ayun,nagkaroon ng program,thanksgiving,gift giving,games,food trip at sangkaterbang picture picture!haha!after reunion,punta kami sa cemetery,dinalaw namin yung tita/ninang ko..ayun,reunion part 2,sa cemetery nga lang after nun punta naman sa SM para mamili ng food kasi sasalubong sa birthday ng insan ko..after nun,uwi na muna sa bahay para mag pahinga,ayoko na sana pumunta kasi masama na talaga pakiramdam ko,pero Go pa din..

December 28, 2010: Birthday na ng insan ko..walang katapusan nanaman na food trip..at onti lang yung picture..mga pagod na kasi..kinaumagahan,nag pa plano kung san pupunta..siguro pitong oras kami nag pa-plano kung saan pupunta..una sa daranak falls,sa Rizal..dun ang napag kasunduan,pero last minute bigla nag bago sa Bolinao,Pangasinan na daw..pero ako gusto ko talaga Mag EK..kaso mukhang ayaw nila,mas gusto nila swimming,ako ayoko ng swimming kasi nga may sipon na ako + ubo pa..haha!pero ang lahat ng yun ay wala pang kasiguraduhan kasi nga wala pang sasakyan..pero kinagabihan nag text ang pinsan ko, 12am daw kami aalis..so ako excited,nag empake na ako,baka kasi maiwan ako..dumating ang 12,wala pa nagtetext,hanggang sa mag ala una na,wala pa din..iniisip ko baka pagtawanan ako ng aking magulang,kasi naka ayos na ako at empake na lahat lahat,tapos yun pala hindi na tuloy..haha!hanggang sa naka tulog na ako..

December 29,2010: 3:30am nag ring ang cellphone ko,tumawag ang insan ko 4:30am daw ang alis namin..at ako’y na pa YES!tuloy na talaga kami..haha!pero 5am na kami naka alis..magtatanghali na ng dumating kami sa Bolinao,Pangasinan..masaya ang pag stay namin dun..maganda ang tanawin,maganda ang beach kaya nag enjoy talaga kami..kaso ang alam namin,uuwi din kami ng hapon..pero yun pala,overnight kami..ang iba problemado,dahil kulang ang extrang damit..kaya kanya-kanyang diskarte na lang..haha!kahit sinisipon na ako at inuubo na,Go lang sa pag swimming sa dagat,kahit ang lamig lamig ng tubig + nakikisabay pa yung hangin..basta ma enjoy lang namin yung Trip/birthday ng insan ko..

December 30,2010: Maganda ang umaaga kahit na malala na yung ubo ko,yung sipon ko kasi mejo pawala na sya..as usual,picture picture ulit bago umuwi..tapos ang nag pa-plano ulit na mag Baguio kami,tutal 2 hours na lang naman daw ang byahe namin..lahat kami gusto mag Baguio,gustong sulitin ang Trip..kaso hindi kami pinayagan nung Lolo namin na Obispo,kasi may church pa kami kinagabihan..so nauwi kami na lang kami sa Hundred Islands..ayun,hindi kami nag sisisi sa pag punta,dahil super enjoy kami ulit..kung san san kaming Island nag punta,tpos experience na din yung sa cave,na kelangan namin tumalon para makalabas..nag snorkeling sila,ako hindi,langoy langoy lang sa dagat..haha!kahit paano na conquer ko yung fear ko na mag swimming sa dagat..basta masaya kami,kahit pagod..kahit masakit ang katawan ko..habang pauwi na kami,pinanuod namin yung video at lahat kami ay masaya habang nanunuod ng mga kalokohan namin..hehe!at eto pa pala,hindi rin kami naka baot sa church..sorry God.. :)

December 31,2010: Gumising na masakit ang katawan ko,ramdam ko yung pagod..pero andun pa din yung ngiti sa aking mukha,dahil nga sa naging Trip namin mag pipinsan..next year naman daw sa Bicol naman..haha!sana matuloy kami..nawala na yung sipon ko,pero may ubo pa din ako..pagaling na ako..habang papunta ako sa shop,ramdam ko yung sakit sa paa ko,pag tingin ko parehong paa ko ang may sugat..malamang dahil yun sa bato sa dagat,ang tutulis kasi eh..tapos ayun,nag send ako sa Ex ko ng email..sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin..ewan ko lang kung babasahin nya yun at kung mag reply,kung hindi man,ok na din para matapos ang 2010 ng maayos..at eto sa ngayon,nag tatype hindi ko pa alam ang mangyayari mamaya..pero sana maging OK na ang 1-1-11 ko.. :)

Dec 31, 2010
REUNION

Isa to sa inaabangan ko taon-taon,maliban sa pasko at new year..syempre ito yung panahon para magkasama sama o magkita kita kayong magkaka mag anak..makikita din natin dito yung mga kamag anak natin na matagal na natin hindi nakikita,kasi yung iba mamalayo ang lugar..at syempre isang beses lang naman to sa isang taon,pero siguro depende na rin sa iba,kung kelan nila balak mag reunion..basta kami,taon-taon meron nito! ;)

Nag reunion kami nitong December 27,2010..masaya ang kinalabasan ng reunion namin (pero lagi naman eh..hehe!).. kahit maraming kulang,kasi yung iba nasa ibang bansa hindi makaka uwi..meron din naman kapiling na ni God..kung mag reunion kami,meron kami palaro,dress code,kaininan,kwentuhan, o kaya swimming,gift giving,pa raffle at higit sa lahat ang pinaka favorite namin magpipinsan ang walang katapusan na picture-picture!haha!nakaka tawa nga eh,kasi kahit compound lang kami dito syempre puro kamag anak ang kasama dun,pero pag nag reunion na kami parang ang tagal tagal namin hindi nagkita kita o usap..haha!ganun lang talaga siguro kami,sobra mamiss ang isa’t isa..at isa pa pala kung bakit kami nag re-reunion,para magpasalamat at mag puri kay God sa buong taon na pag iingat nya sa amin,sa muling pag sasama sama namin magkaka mag-anak.. ;)

Giron Cousin’s

image


(serious mode daw,walang tatawa..pero yung isa kong pinsan todo ngiti!haha!ako nga pala yung naka off shoulder na nagpipigil sa tawa,kaya ganyan itsura ko..hehe!)

image

(kulang pa kami nyan,kung tutuusin ang daming kulang..hehe!)



Dec 28, 2010
May Nag text!

Nung pasko,binati ko si Ex ng Merry Christmas sa fb..as usual,hindi na ako nag expect pa na babatiin nya ako o mag reply man lang..kasi nga hindi na din kami nakaka pag usap pa..cguro after 2 hours,tumunog yung cp ko may nag text,nagulat ako kasi nag text c Ex at binati nya ako..syempre napangiti naman ako dun,unexpected kasi..hehe!ayun nag reply naman ako,binati ko sya ulit..after nun,lam ko hindi na sya magtetext pa kasi nabati na nya ako..pero ayun nagtext sya ulit kinamusta pa nya ako..ayun,chika chika kami..kumbaga tamang kamustahan lang,tungkol sa upgrade ng pc nya at kay chesca (yung aso nila)..after nun,wala na..lam ko baka sa new year na ulit sya magtext para bumati..pero ewan ko lang kung magtetext nga yun..kaya lang naman nya ako binati kasi ako nauna nagparamdam ulit or i mean ako yung naunang bumati..ayun hanggang sa hindi na sya nag reply..ano pakiramdam ko nung katext ko sya?yung totoo,masaya ako at nakapag usap kami ulit..pero hindi yung tipong kinikilig ako kasi magka text kami..basta tama lang,parang wala lang..parang hindi naging kami..basta ganun..

Tapos kinabukasan ng gabi,nag text sya ulit..as usual,nagulat ako ulit..hehe!kasi nga hindi na ako umaasa pa talaga..ayun,tinatanong nya kung may lakad daw ba ako o gagawin kinabukasan..nagtaka naman ako kung bakit sya nagtanong ng ganun?ang nareply ko na lang sa kanya,bakit?eh ayun nga inaaya nya ako,mag EK daw kasama barkada nya..napatanong na lang ako sa sarili ko “bakit mo ako inaaya ngayon?anong meron?eh may gf ka naman,bakit hindi yun ang ayain mo?”..gusto ko yan i-reply sa kanya,pero hindi..baka kasi magka issue pa kami,be thankful na lang at inaya nya ako.. :) kaso,reunion namin kinabukasan,kaya hindi ako pwede..nakaramdam din ako ng panghihinayang nun,sayang naman kasi..hehe!pero wala eh,hindi talaga ako pwede..kaya sabi nya next time na lang daw..sabi ko naman,kung may next time pa..so ayun,dun na natapos..hindi na sya ulit nag text..hehe!

Kinabukasan,naka chat ko yung barkada nya,inask ko kung natuloy ba sila sa Ek..ayun,hindi daw sila natuloy kasi hindi daw ako sumama..napa weh na lang ako sa sarili ko eh,ng dahil lang sa akin?!eh pwede naman sila pumunta ng hindi ako kasama..haha!labo naman nun!tapos ayun,nag drama pa sa akin yung barkada nya,parang sinisisi pa ako kung bakit hindi sila natuloy..labo tlaga!hahaha!

Ayun,ang weird lang talaga nila..hindi ko malaman kung ano meron..haha!

Dec 28, 2010
Hindi napigilan

Ow kamote!nu ba tong pumasok sa isip ko oh!dahil ba pasko kasi?eh kasi,bigla na lang ako napapunta sa profile nya tapos sa message,ayun nakapag send ako ng message sakanya,in short binati ko sya..ayyyyy!kainis talaga!dapat talaga kasi sa 31 pa ako magpaparamdam sakanya eh,kaso ayun na nasend na..at as usual,walang reply..haha!ok na din,nangyari na eh..timang ko talaga..haha!

P.S: Sa nagpaparamdam na sipon at ubo,please lang!utang na loob,wag kang tutuloy..sobra sobra na yung sakit na naramdaman ko ngayon taon,wag kana makisali ubo at sipon,masisira mo ang susunod kong week..please lang.. :|

Dec 25, 2010
Noche Buena

Nag noche buena ako ulit na single!oh my!haha!pero may mas importante pa dun kung bakit naging special pa din ang noche buena ko kahit walang bf..bakit?eh kasi complete kami,pero hindi pala as in complete kasi wala ang Lolo’t Lola namin,nasa ibang bansa kasi..pero kahit ganun,naging masaya pa din ang pag salubong namin ng pasko..syempre nag pasalamat kami sa Panginoon,dahil sama sama kami nag celebrate ng kanyang birthday..salo salo sa onting handa,kasama ang mga tito’t tita ganun na din ang mga pinsan ko..aminado ako na laging pumapasok sa isip ko yung “SANA”..tulad ng ‘kung kami pa din,eh di sana magkasama kami ngayon’..’sana extra special pa din ang pasko ko’ at kung anu-ano pang sana..pero mas naisip ko na lang ok na din na single basta kumpleto at masaya kami nag celebrate ng pasko..para kay God naman talaga yung araw na to eh..tsaka kelangan ko din magpasalamat sa kanya dahil sa dami ng ginawa nya sa buhay ko..naging pangit man tong taon para sa akin,kelangan pa din bumangon at magsimula ulit sa umpisa..sana mag tuloy tuloy na tong Good Vibes ko..

Again,Happy Birthday JESUS! :)

Dec 25, 2010
Umuwi na kayooooo!

9:10 pm na at halos madami pang tao dito sa computer shop namin!ano ba kayooooooooo!ilang oras na lang at mag papasko na,magsi uwi na kayo oh…kanina ko pa gusto magsarado!bakit ba kayo ganyan,kung kelan magpapasko tsaka kayo nahuhumaling mag computer..haaaays!

Dec 24, 2010
Dec 24, 201015,408 notes
Dec 23, 2010
Akalain mo nga naman!

May napagtanto ako kanina habang tinatype ko yung tungkol sa “Lovers can’t be friends after break up”..nakaka leche talaga tong mga alala ko..bakit ba balik sila ng balik?hehe!eh kasi ganto yun,as usual about sa Ex..haha!

Si Ex number 2 (Carl Jerome V.) at Ex number 6 (Julius Ryan G.) *dami ko na pala naging bf..haha!* 

  • Si Ex 2 naging kami February 11, 2004.. Si Ex 6 February 11, 2007..haha! 
  • Same birthday pa sila! May 12, 1985.. ow kamon!
  • Sa 6 na naging bf ko,silang 2 lang yung sobra kong minahal at iniyakan..but sa lahat lahat si Ex 6 ang pinaka minahal ko at sobrang iniyakan..hehe
  • Yun nga lang si Ex 2 1week lang naging kami,si Ex 6 naman 3 years and 5 months
  • Pareho sila na iniwan ako sa ere at pinagpalit sa iba..kaya nag break! Awww! Sa kanilang 2 lang din ako nahirapan mag move on..
  • Pareho silang gwapo..maganda yung mata,matangos yung ilong,kissable lips at pamatay na smile..(lamang nga lang si Ex6 kasi may dimple yun)haha!yung iba may itsura lang..hehe!
  • Si Ex2 matangkad, si Ex6 hindi katangkaran..hehe!

Hahaha!nu ba ibig sabihin nyan?hmmm..wala lang!bigla lang talaga pumasok sa isip ko yan at natatawa na lang ako..nagkataon lang naman siguro..pero sabi nila History Repeats Itself.. at ayoko na maulit pa yang History na yan..haha!yun nga lang mas malala tong kay Ex6..hehe!

Dec 22, 2010
Lovers can't be Friends after Break up

Para sa akin ah,totoo yan..Siguro base na din sa mga naging past relationship ko..sa dami na ata ng naging Bf ko at after break up,ni isa wala ako naging kaibigan sa kanila..bakit nga ba ganun?maswerte na yung mga tao na naging mag kaibigan pa sila after break up eh,yung iba ay best friend pa nga..mas naging ok pa yung relationship nila as friends..nakaka inggit yun ganun..siguro kasi ok yung naging closure sa kanilang dalawa,walang bitterness kaya naging ok pa din sila..o kaya naman sobrang tibay ng foundation ng friendship nila..nakaka inggit yung ganun,yun bang hindi nasayang yung pinagsamahan nila..kahit ba meron na sila kanya kanyang lovelife ay friends pa din sila..naiinggit talaga ako sa ganun..ewan ko ba!pero ayoko ng tagline na yan,gusto ko “Friends can be Lovers and they will never break up”..hahaha!

Dec 22, 2010
1 week!

Nung nakakapag usap pa kami ni Ex,sabi nya sa akin nun “Try natin 1 week walang usap”..nagulat ako sa sinabi nyang yun,alam ko kasi kayang kaya nya gawin yun..syempre ako naman ayoko,kasi hindi ko talaga kaya,gusto ko kahit wala na kami ay nakakapag usap pa din..

Pero ngayon,1 week na hindi kami nagkaka usap..hindi na sya nagtetext,hindi ko na din sya tinetext..kahit sa facebook,wala..iniisip ko kaya ko naman pala..pero what if,one day bigla sya mag text ulit?magrereply ba ako?hmmm..ang hirap na din kasi mag salita ng tapos,lahat nakakain lang din..pero sabi ko na lang sa sarili ko,sa december 31 mag email ako sa kanya,lahat ng gusto ko pang sabihin sasabihin ko na sa kanya..para bago man lang mag start ng 2011 ay ok na ang lahat,iwan na ang dapat iwan..pero sa tingin ko hinding hindi na magpaparamdam yun sa akin,mahiya naman sya sa pinag gagawa nya sa akin..ay!meron ba sya nun?mukhang wala eh..hehe!

Nakakatawa lang,sabi nya kasi nun “walang kalimutan,kahit ano mangyari” pero kinain nya din yung sinabi nya,dahil sya ang unang nakalimot..lahat ata ng magagandang sinabi nya sa akin nun dati,kabaligtaran na ang lahat ngayon..para maging fair,ganun na din ang gagawin ko..balewala na lang sa kanya lahat lahat ng pinag samahan namin..pero ok na din at natapos na din to..onti-onti babalik na din ako sa dati..gusto ko talaga maging ok ang 2011 ko,kaya kelangan may gawin akong action..

Dec 22, 2010
Mata

Sobrang mahalaga sa atin ng mata,syempre kung wala tayong mata hindi natin makikita ang kagandahan na nilikha ni God..hindi rin tayo kumpleto..hindi natin magagawa ang mga gusto nating gawin..at kung ano-ano pa..maswerte na nga tayong may mga mata eh..kasi marami tayo nakikitang magaganda ganun na din ang mga pangit..iniisip ko paano pa yung mga bulag?nu kaya pakiramdam nila?syempre yung iba malungkot,nawalan na ng pag asa sa buhay,yung iba naman ok na din sa kanila kasi kahit hindi sila nakaka kita eh buhay pa sila at patuloy pa din sa kanilang buhay..

Kanina habang naliligo ako,may hindi inaasahan na pangyayari..bigla ako nahilam..oo,nahihilam din ako paminsan minsan gawa ng shampoo pero hindi tulad kanina na sobrang hilam at hapdi ng mata ko..as in ramdam ko yung sobrang sakit..at isa lang pumasok sa isip ko “baka mabulag ako”..kinalma ko ang sarili ko,ayoko mag panic at alam ko magiging ok din ako..lagi ko sinasabi, “God,wag muna ha..sana mawala na yung hilam ko”..nag try ako imulat yung mga mata ko pero hindi ko talaga maidilat,kasi sa tuwing ididilat ko mata ko ramdam ko yung hapdi..kahit yung kaliwa kong mata hindi ko maidilat..so paano ko matatapos yung paliligo ko nito,kung hindi ok yung mata ko?eh no choice ako kung hindi maligo ako ng naka pikit..siguro umabot din ng 15-20 minutes ang paliligo ko ng naka pikit..iniisip ko ganto pala pakiramdam ng wala kang paningin..ang hirap!nangangapa ka sa dilim..habang naliligo ako ramdam ko pa rin yung hapdi ng mata ko..pilit ko pa din sya idinidilat pero hindi ko pa din sya maidilat..natatakot na ako at gusto ko ng sumigaw,pero alam ko magiging ok din ang mata ko..nung natapos na akong maligo at magbibihis na,sobrang pinilit ko na idilat yung nahilam kong mata kahit mahapdi..nagluluha na yung mata ko at ok yun kasi natatanggal nya yung shampoo sa mata ko..naididilat ko na yung kaliwa kong mata at onti-onti na rin nawawala yung hapdi nung kanan kong mata..nakapag bihis na din ako at bago pa ako makalabas ng banyo nawala na yung hapdi,pero meron pa din onti..pero nasabi ko na lang na “Thank you, God, nawawala na yung hapdi” at hanggang sa tuluyan na akong nakalabas ng banyo.. :) Sa isip-isip ko,mukhang masyado ko ng inaabuso yung mata ko..kung minsan nagbabasa ako ng libro sa madilim na lugar,maghapon naka harap sa pc (no choice ako kasi bantay ako ng shop namin),sa mga nakaraang buwan sobra sobra yung iniyak ko at eto laging puyat!tsk!tsk!tsk!abusado nga ako sa mata ko,ni hindi ko sya pinagpapa hinga..kaya onti-onti na din lumalabo mata ko eh,far sighted na din ako..eto pa naman ayoko mangyari yung tuluyan ng lumabo mata ko at sa mga darating na araw eh,hindi na ako makakalabas ng bahay ng hindi naka suot ng salamin..ayoko nun!pero onti - onti na sya nagpaparamdam..

Sorry mga mata ko ha,kung masyado na akong abusado,kung hindi ko na kayo pinagpapahinga..huwag muna kayong bibitaw ha?gusto ko pa makita yung lalaking mapapangasawa ko,yung magiging anak namin,yung magiging apo namin.. :) Lahat ng parte ng katawan natin maliit man o malaki ay kailangan natin pahalagahan,dahil isa lang siguro mawala dito mahihirapan na tayo sa mga bagay na nakasanayan natin gawin..Sobrang naging abusado ako sa katawan ko,kaya panahon na para mahalin ko ulit yung sarili ko.. :) at Thank you kay God,kasi pinanganak akong kumpleto.. :)

Dec 22, 2010
Dec 22, 201019,210 notes
Logic?

Ewan ko ba!anu ba tong biglang pumasok sa isip ko..pero nakakatawa..kasi ganto yun…..

2011 na next year 

20- date kung kelan naging sila nung current gf nya

11 - sa amin ni Ex, eh di 2011 pag pinagsama

naalala ko November 20 naging sila so 11-20 pag binaligtad mo 2011..

hahaha!naisip ko pa yun?akalain mo yun!takte nga naman oh!pati ganung bagay pa..pero nakaka tawa lang talaga..year ko ba next year? o year nila?hahaha!naku po!umayos ka 2011,maging mabait ka naman sa akin..

Dec 20, 2010
Tantanan mo na ako,please!

Kagabi,bago ako matulog naisipan ko muna manuod ng movie tutal hindi pa ako inaantok..ang pinanuod ko ay yung Paano na Kaya ng Kimerald..napanuod ko na sya sa Cinema One nung nagpunta kami sa Subic,kaso hindi ko to nasimulan,nasa kalagitnaan na yung story..so ayun nga,nag decide ako panuorin yun..kasi hindi ko nga naintindihan at nakalimutan ko na din yung story..so eto na nga,yung nasa part na magbe-break na si Anna (Melissa Ricks) at si Bogs (Gerald),nung sinabi ni Anna na in love sya sa iba at sa boss nyang si JULIUS!takte!napangiti na lang ako at nasabi “ano ba yan!Julius pa talaga ang name,nanahimik akong nanunuod dito eh,epal ka!”..haha!manisi daw ba?!kasi Julius Ryan ang name ni Ex..hehe!ayun,mejo naka relate din ako,hindi sa story sa onting scene lang naman..ayun..

Tapos eto pa,nung commercial sa Ch. 7 may pinakita na bagong ipapalabas si Dingdong..yung tag line nya is: “Paano kung ma in-love ka sa Pare mo?”..takte ulit!naka relate!haha!eh kasi,mag pare ko kami dati bago maging kami..yun ang tawagan namin..si Ex nagpasimuno nun eh..haha!

Ano ba to!the more na hindi ko na sya iniisip,the more na memories ang bumabalik..na nanadya ka ba talaga panahon?nag mu-move on na ako eh,ok na nga ako ulit eh..kaya please lang,wag mo na ipaalala pa kung nu meron kami dati..ayoko na din kasi maalala pa..o part talaga to ng pag move on?haaay..wag mo na sirain ang diskarte ko..tapos na ang paghihirap ko sa kanya at masaya na sya ngayon sa bagong love life nya.. 

Dec 20, 2010
20

Hindi ko lang talaga maiwasan na malungkot at maisip na 1 month na sila ng bagong gf nya..sobrang bilis ng mga pangyayari,sobrang bilis nya din ako palitan..tapos malalaman ko pa na sobrang inlove na inlove sya sa bagong gf nya..nakaka inis lang talaga yung pakiramdam na,ako pa rin dapat yung kasama nya mag celebrate ng monthsary at ako lang sasabihan nya ng i love you..nakaka inis lang talaga..haay!pero wala na din ako magagawa pa,ginawa ko na lahat ng magagawa ko..ang dapat lang tanggapin at maging masaya na lang ako para sa kanilang 2..hindi sa ka-plastikan pero ayoko lang magtanim pa ng bitterness sa puso ko,kasi ako lang din ang mahihirapan..at ayoko na talaga!nakakapagod mag mukmok ng dahil lang sa kanya tapos sya sayang saya na sa bagong ka-relasyon nya..at mabilis lang naman ang panahon ngayon eh,hindi ko mamamalayan 5 yrs. na pala sila,mas nahigitan na yung 3 yrs.&5 months namin..o kaya,kasal na sila at may anak pa..haha!at hindi ko na pala napapansin na inlove na pala ako ulit,na masaya na pala ako ulit..yun yun eh!hehe!basta,nakakamiss lang talaga..pero ok na din kung binawi na sya sa akin ni God at iniwanan ng lesson..dati lagi ko pinag p-pray yung relationship namin nun pero kung hindi talaga will ni God na maging kami sa huli,nagpapasalamat pa din ako kasi nalaman ko kung anong klaseng ugali meron pala sya na hindi pala sya worth it sa binibigay kong love..alam ko darating din yung lalake para sa akin yung worth it sa lahat lahat..di ba God?hehe!

Ayun,para sa Ex ko at bagong gf nya..Happy 1st Monthsary sa inyo at God Bless na lang!sigurado ako magtatagal kayo at mas mahihigitan nyo pa kung ano meron kami dati.. :) Walang halong ka-plastikan at bitterness..Masaya na din ako para sa Ex ko na nahanap na nya yung babaeng pakakasalan nya..sabi nya kasi sa akin nun kung may ipapalit sya gusto nya eh yung kasalan na..kaya ayun,sigurado na ako magtatagal sila..hehe!manghuhula?!

Dec 19, 2010
2011

Bakit ba atat na ako mag 2011?siguro kasi gusto ko ng malaman yung mga mangyayari sa buhay ko?pero syempre hindi ko naman agad agad malalaman yun..gusto ko na din matapos tong 2010 kasi para sa akin madaming hindi magandang pang yayari sa buhay ko,kumbaga TRAHEDYA!haha!pero parang pakiramdam ko magiging ok ang 2011 para sa akin (pero sana talaga maging ok na) ewan ko ba!excited talaga ako..gabi gabi na lang ang dami kong naiisip gawin for next year,pero syempre para kahit isa man lang dun mangyari ay kelangan ko kumilos..kelangan ko gumawa ng action..basta gusto ko na may mangyari sa buhay ko..i mean,magkaron ng silbi..lalo na sa pamilya ko..basta sana lang talaga maging ok na ang lahat lahat.. :)

Sayang lang,kung tayo pa rin eh di sana mag celebrate tayo ng monthsary sa 11-11-11..kaso wala eh,pinagpalit mo ako!hahaha!ooopss!hindi ako bitter!lols!basta 2011,maging mabait ka sa akin ha?

Dec 16, 2010
Nakaka relate

Finally, napanuod ko na yung movie na Till my heartaches end..kahit hindi ako fanatic ng kimerald,gusto ko talaga mapanuod yung movie na yun..siguro kasi natapat pa na broken hearted ako kaya gusto ko talaga sya mapanuod..hehe!matagal ko na dapat napanuod to eh,kaso naudlot..so ayun kahapon,sabi ng kapatid ko na-download na daw nya yung movie..ako naman natuwa,kasi nga gusto ko mapanuod to baka nga kasi maka relate ako..kagabi,hindi ako maka singit sa pc kasi may ginagawa pa kapatid ko,so ang ginawa ko pumunta ako sa comp shop at ni-convert ko muna para sa cp ko mapanuod,hindi na kasi ako makapag hintay..at hindi naman ako nabigo..habang nanunuod na ako,kung minsan hindi ko maiwasan na mapangiti na lang at masabi sa isip ko na “nakaka relate ako” “ah,ganyan ako o kaya ganyan sya”..habang nasa scene na nagkakalabuan na sila hindi ko naman din maiwasan na mapaluha..oo napaluha ako..at dahil na din siguro nga naka relate ako,lalo na sa mga line na binitawan nila..at hindi ko rin naiwasan na biglang maisip si EX..siguro normal na lang yung ganung bagay..sa isip isip ko sana mapanuod nya tong movie na to,pero naisip ko din kung mapanuod nya,nu naman magiging impact sa kanya lalo na’t kung may bagong gf na sya..haha!baliw baliwan mode nanaman ako..pero eto yung mga gusto kong linya na binitawan nila na nagustuhan ko talaga:

nagtatago ka na naman sa babaeng pinagsawaan mo

ang mga lalaki kapag tinrato ka ng hindi maganda, tuluy-tuloy na yan.gagawin ka nyang punasan ng paa o toilet paper

right place at the right time ang kailangan

yang love na yan walang pinipili yan. lahat nagpapakatanga jan. una na ako dun. pinatulan kita akalain mo!

mas mabilis kapang magpalit ng girlfriend kesa sa brief mo

b: mahal mo ba ako?

g: bakit mo naman sa ‘kin tinatanong yan?

b: kasi mahal kita, wag ka magalit tinatanong ko lang

g: hindi naman ako nagagalit, tanungin mo naman ulit ako ako oh

b: mahal mo ba ako?

g: sobra, sobra sobra kitang mahal

kaya nga gusto kitang isama kasi ipagyayabang kita

ano ba naman ung magtext ka para malaman ko man lang kung ok ka

magpakalalaki ka, hindi mo pwedeng iwasan ang problema

g: kung mahal mo ‘ko bakit mo ‘ko iiwan?

b: dahil hindi ako sure kung sapat ung pagmamahal ko para kayanin ko pang magkasama tayo

masyado mo syang minahal, ginawa mo syang buong mundo mo. kaya nung umalis sya feeling mo wala ng natira sayo

Yang mga pinagdadaanan mo paglumipas ang panahon, lahat ng yan pagtatawanan mo na lang.

Ayan,gusto ko talaga yang mga linya na yan..naka relate talaga ako..at thankful ako at napanuod ko na din to sa wakas..hehe!pero sa movie na to laging binabanggit ang destiny..pero para sa akin,hindi ako naniniwala dun..ewan ko ba,siguro kasi hindi pa ngyayari sa akin yun..saka na ako maniniwala pag ngyri na sa akin yun..hehe!pero eto pa,bago ako matulog sobrang naiinis ako kasi sobrang naiisip ko sya at sobrang namimiss.. :( nakikipag talo nga nanaman ako sa utak ko na tumigil na sya eh at eto pa nakisabay pa yung mata ko,naiyak pa ako..haay..pero saglit lang naman yun..kasi kontrolado ko na yung luha ko..pero ok na din yun,kasi last month naman na to eh..ibubuhos ko na ang dapat pang ibuhos..next year,another year na for me.. (hopefully)

Dec 15, 2010
Smart Confessions: Proseso pagkatapos ng break-up. → ikemensan.tumblr.com

ikemensan:

UNA, hindi mo pa matatanggap agad ang masalimuot na kinahinatnan ng kailan lang ay napaka-ligaya niyong pagmamahalan. Mag-rereminisce ka. Aasa na parang tanga dahil ikaw na lang talaga ang bumabalik sa nakaraan at siya’y moved on na moved on na. Malulungkot. iiyak bago matulog, may luha…

Dec 14, 2010
Sound trip

Hindi ako mahilig mag sound trip sa totoo lang..mag sound trip lang ako pag super bored na ako..o kaya pag gusto ko ng antukin..yan,yan ang madalas ko gawin ngayon mag sound trip lalo na bago matulog..at ang gamit kong pang sound trip ay ang cellphone ko..eh pano ba naman,wala na talaga nag tetext..hindi ko na nga maramdaman na may cellphone pala ako..haha..5 months pa lang yung Nokia 5530 ko at kung bakit ako napabili ng cellphone na yan,dahil kasi para sa twing magkikita kami ay magpipicture kami..mas marami akong masave na text nya..pero wala eh,halos bago lang cp ko pero halos nagkalabuan na kami..sa isip isip ko,bakit pa ba ako napabili nitong cp kung laging pang sound trip ko na lang to ngayon bago matulog?pero wala eh,nandito na..baka sa susunod magkaroon na din ng silbi tong cp ko,yung mabubuhay sya ulit..yung halos maya’t maya tunog sya ng tunog kasi may special na taong nagtetext sayo..nakaka miss lang kasi talaga..ang dating 100+ texts per day ngayon 1 text na lang..pero sa totoo lang ayos na din sa akin na hindi kami lagi magkatext..mahirap na din kasi syang paniwalaan ulit..kaya ipod ka na muna ngayon cp ha..hehe!

Dec 14, 2010
Next page →
2011 2012
  • January 54
  • February 54
  • March 31
  • April 51
  • May 39
  • June 22
  • July 7
  • August 8
  • September 5
  • October 21
  • November 9
  • December 5
2010 2011 2012
  • January 21
  • February 5
  • March 6
  • April 6
  • May 13
  • June 187
  • July 265
  • August 88
  • September 110
  • October 38
  • November 82
  • December 30
2010 2011
  • January
  • February
  • March
  • April
  • May
  • June
  • July
  • August
  • September
  • October 136
  • November 64
  • December 38